|
The
search for Lucio San Pedro leads me to the green gate of a nondescript house
along the main road of Angono, Rizal. Beside it are unusual representations
of flight: an LBC outlet and a funeraria. No streamer nor poster to
divulge the town’s grand old man of music except for a smattering of quarter
notes and half notes on the gate and the steady mechanical sounds of...
sewing machines.
Mrs. Gertrudes San
Pedro leads me into the kitchen and informs me that her husband is getting
ready for the interview, his second one this week. He’s a pretty busy man, I
remark. Nanay Gertrudes smiles—Not as busy as before.
During his peak, San
Pedro would often let his songs do the talking. Nowadays, it’s usually him
in person, which, for scholars and music enthusiasts alike, is music to the
ears just the same. The National Artist for Music is now 89 years old and
most of his days are spent inside his music room—a small, air-conditioned
room that could have been a pediatric clinic if it weren’t for the many
citations and certificates hanging on walls. There is also a large portrait
given by an Angono painters group. A glass cabinet contains what remains of
his original music sheets after thigh-high floods some years back invaded
the house and reduced his music to a pulp.
He greets me with one
firm handshake and an almost impish smile. San Pedro, the multi-awarded
composer of numerous orchestral and choral works, masses, and popular tunes
such as “Sa Ugoy ng Duyan”
opens the gates to heaven.
Ano ang karaniwang
araw sa buhay ng isang Lucio San Pedro ngayon?
Well, off and on,
merong pumupunta ditong kaibigan, kababayan...tête-á-tête, no? It has
nothing to do with my profession as a composer, as a musician. Family affair
or town affair, just that. Television. Ako ay nagbabasa ng Bible. Everyday
‘yan–that’s my past time. Hindi ko na magawa yung magpasyal sa kotse. Ang
anak ko noon, siya yung nagda-drive sa akin.
Lumilikha pa ba kayo
ng kanta?
No more. Nagawa ko na
siguro ang lahat ng dapat gawin. ‘Ika nga, eh, natapos ko na ‘yon. Kung sa
bagay, I can still write pero wala na ‘kong... Ang isang komposer kailangang
sumulat kung meron siyang inspirasyon na naiisip. Pero sa ‘kin ngayon, even
if I plan to do it, parang wala na sa ‘kin yung ganong bagay. Seriously
speaking, even if I want to compose, nahihirapan na ‘ko to tire myself
through composing anything, be it big, be it small.
Saan nagsimula ang
inyong paglikha ng mga kanta? Yung ugat? Nabasa ko na ang nag-encourage sa
iyo ay ang kapatid ninyong inhinyero...
Ang aking ama, ang
aking kapatid, lahat. Nung ako’y nagtapos ng high school sa Pasig, I was
thinking of taking up law, of taking up medicine. Pero ang ama ko at saka
yung kuya ko prevailed upon me to take up Music. Ang sabi nila sa ‘kin, “You
don’t belong there. You belong to Music.” I had never thought of becoming a
musician. Hindi ko naisip yung Music. Pero talagang mahilig ako riyan. Bata
pa ko sumusulat na ko (ng mga kanta). So nag-enroll nga ako sa UP
Conservatory of Music. At that time, it was in Villamor Hall. Supreme Court,
Padre Faura – iyon yung aming Conservatory of Music. You would not believe,
kami naman, we belonged to a very poor family. Mabigat sa aming ama ‘yon. We
were not rich enough to support a student in UP. Mangangasera ka pa... Hindi
naman ako nakakapangasera. You would not believe iyong aking boarding house.
Hindi ako nagsabi sa Dean namin na I’m going to stay there in the janitor’s
room. Janitor’s room! Hindi niya nalalaman ‘yon, ah. Yung janitor doon, doon
ako pinatu-tulog. Tutoktok ako sa kanya. Meron akong binibigay sa kanyang
sandwich o kung anu man. Ika nga ‘eh, bribe ‘yon, para makatulog sa kwarto.
Ako’y tumutugtog sa kabaret, sa mga dance halls, meron akong sinasamahan na
orchestra. That’s what I did during that time, to support myself as a
student and to alleviate our difficulty.
Bakit niyo pang
naisipang mag-aral pa, eh, sinasabi niyong nung panahong iyon, tumutugtog na
kayo, may steady income?
Tumutugtog na talaga
ako sa dance orchestra. Ang aking instrumento yung banjo. At ako nga ay
ibinili ng Kuya Tonyo ko ng banjo. Tumutugtog ako ng hanggang alas dos ng
umaga. Minsan, pag wala akong kompromiso, tumutugtog ako sa kabaret. Minsan
sa Marikina, minsan sa Pasig, kung saan-saan. I earned Php 2.50 a night.
Sometimes Php 3.00. Iyon yung aking means of livelihood. Grumadweyt ako sa
Conservatory. I took two courses in five years what would have normally
taken me six years. Four years Composition, two years Conducting. First
year, kumukuha ako ng second year subjects. Second year, kumukuha ako third
year subjects. Puro advanced yan. I could take it.
Nadadalian ho kayo?
Oo. Mas advance ako sa
mga kasama kong estudyante. So I gained two years. Pagkatapos ko dyan, World
War II. Kuwan nga, eh, natigil yang mga means of livelihood na yan.
Na-employ ako sa Metropolitan Theater as conductor of the Musical
Philippines Philharmonic Orchestra. Diyan ako talaga nagtagal. Ang mga
audience ko, may mga Hapon diyan. Mga 28, 29 ako nu’n.
Sa standard nung
time na yon, bata pa ba iyon para sa isang konduktor?
Oo. Yung mga talagang
professional conductors, wala. Siyempre Japanese time, natatakot silang
lumantad. Kaya ako lumalantad, kasi bata ako. Kaya walang problema. I earned
so much. After that, ako ay nagturo sa mga College of Music hanggang sa ako
nga ay nagbalik sa UP hanggang sa mag-retire ako. Ang maganda niyan,
nakilala ko si Mrs. Marcos. Nagpupunta ako sa Malacanang. Minsan nga,
tinutukso ako ng mga estudyante ko na “up and down, up and down.” Panhik sa
Malacanang, baba sa Malacanang... She is fond of music. Very fond of music.
I admire that lady. (Because of her) I was sent to Fort Worth, Texas to be
one of the judges of the Sixth Van Cliburn International Piano Competition.
Isipin mo, the only Filipino at that time. Kasama ko, from Germany, from
Italy, from France.
Paano kayo lumilikha
ng mga kanta? Ano ang mga naging impluwensiya ninyo?
If you are a poet,
where do you get your inspiration? Nature. If you are a musician, you look
up to heaven, makikita mo yung buwan, sa kabundukan, all surrounding areas.
That is the job of all composers. Even Beethoven did that. Pupunta siya doon
sa kagubatan nila sa Vienna. Kaya ang composer, he’s a lover of nature.
Meron akong composition, “Sunset in the Village.” It’s all around you. The
place where you live. The place where you go. Minsan, fiesta sa amin.
Nagma-martsa ang mga taong nakipa-miyesta. That is gaiety, that’s how a
composer really works out his idea. Hindi ka maaaring hindi gumawa ng ganyan.
Naisip ko rin kasi,
maliban sa paghalaw sa inyong kapaligiran, yung pagbalik sa tradisyon. Yung
pagkalap mula sa pormal na tradisyon ng musika... Kundiman o kaya mga
foreign influences...
Walang masama riyan.
Ako rin gumagawa ng kundiman. Pero it’s very sad, na itong ating mga
kabataan ngayon, walang ginagawa kundi yung mga pop music na Amerikano na
‘yan. Nakikita mo ‘yan sa radyo, sa telebisyon. Hindi ka na makakarinig ng
kundiman. Nawala na yung ating pagka-Filipino. Wala na yung mga romantic
songs. Para sa kanila, pag tumutugtog ng kundiman, ah, you are nothing. You
are obsolete. You are old fashioned.
Hindi ba maaring
tignan ito bilang isang ebolusyon? May ilang mga pop songs ngayon na may
traces ng kundiman, hindi ba? Isa pa, yung pagkiling ninyo sa classical
music. Hindi ba’t ang tradisyon o oryentasyon ng classical music sa
Pilipinas to a great extent is European ...Spanish? Ano ang Filipino sa
isang piyesa?
Sensibilidad.
Sensivitity. Yung mga folk songs, “Bahay Kubo,” “Leron Leron Sinta.” Nung
panahon ko, noong ako’y estudyante sa konserbatoryo, yung gusto ng aming
direktor, “Develop your folk songs.” Ginagamit namin yan. Literal. Pero sa
aking propesor sa New York (ang sabi) “No, I don’t want that. That’s not
your work. I want you to do something that is your work.” Kaya binabago ko.
It is your own creation kaya mababago. Yung mga kantang Filipino, walang
Western. Puro Filipino yan. Kundiman, mga dansa. Nadedevelop ang Filipino
music sa pamamagitan ng mga folk songs. Yung mga naririnig nating American,
I cannot describe it to you. You can describe it for yourself. Iyung
Filipino music, taboo na yan. Mangyari, nung panahong estudyante ako,
ginagamit namin ang folk songs as a thematic idea para doon mo mai-base ang
komposisyon. Ginawa ko ‘yan.
Tungkol sa
nasyonalismo at musika, nabanggit ninyo dati na ayaw ninyo yung mababaw na
klase ng nasyonalismo. Paano mapapakita ang pagmamahal sa bansa sa musika?
Maski ang German
composers, Russian composers, gumagawa sila ng komposisyon na base sa
kanilang panahon, sa kanilang bansa. Katulad ni Franz Liszt, Hungarian yan.
Makikita mo yan, may Hungarian atmosphere. It’s based on their folk songs.
The spirit of their folk songs is there in their compositions.
Saan nanggagaling
ang desisiyon kung anong komposisyon ang unang gagawin? May schedule ba kayo
sa paggawa ng kanta o nagtatakda kayo kung gagawa kayo ng malaking
komposisyon o isang maikling kanta?
First come, first
served. I sit down here and think of writing a violin concerto. Or a song.
Your mind, I think, will be driven to that. Hindi mo iisipin ang ibang bagay.
O kaya, isiipin mo may isang babae kakanta sa recital niya. So wala nang iba.
Mayroon ba kayong
hierarchy sa mga porma ng musika? Ano ang mas mataas na porma? Halimbawa, sa
isang kanta at isang piyesang pang-orkestra?
Siyempre, iba yung
orchestral piece. Malaki yon. Grand. Sa song, talagang, ika nga eh,
subordinate yon.
Sa inyong palagay,
gaano ka-importante ang lyrics sa mga kanta?
Malaking bagay ang
words. Kung ‘yan ay song, malaking bagay. Ang music, secondary lamang.
Kinakailangan may rapport between the music and the words. Kung isang music
ay malungkot tapos ang lyrics masaya, hindi maganda.
Yung Angono,
naitanim na sa consciousness ng publiko na lugar ng mga artist. Hindi
maihihiwalay ang pangalan ninyo dito. Ano ang dating ng Angono sa inyo?
Maraming reasons. At
that time, wala pa yang mga factories. Talagang, if you climb the mountain,
you can see the horizon. Makikita mo yung Laguna Lake and beyond. If you are
very creative, you can get something there. You can hear the tweeting of the
birds. Yung mga farmers going home, carrying their harvest. You know Botong
Francisco? Second cousins kami ni Botong. There is affinity between Botong
as a painter and myself as a composer. We belong to the same group, the Angono
Creative Artists.
Isa pang isyu na
gusto kong tanungin yung debate na magaling tumugtog ang mga Pilipino pero
sa aspeto ng paglikha, kulang. World class performers pero kulang sa
composers.
Nangyayari ngayon,
nahati ang ambisyon ng mga musiko. Emphasis on playing instruments rather
than testing creativity. Kaya nagka-ganyan tayo. Pero ngayon, we are not
very far behind pagdating sa composition. Ang nangyayari ngayon, mas
pinapaboran nila ang mga Filipino musicians. Yung mga dance music, du’n sila
kumikita, eh. Pero kaya kami ngayon, kaming mga composers, nahihiwalay kami.
Sapagkat itong mga kumukuha ng music to earn. The earning power of two types
of musicians, more for playing music not for creating music.
Hindi ho ba kayo
nalulungkot doon?
No, no. I have my own
atmosphere, I have my own environment. Hindi naman nila magagawa ang aking
magagawa. Noon, sa UP Conservatory of Music, mas dinadakila nila ang mga
creative. Yung (aming) mga predecessors talagang mga tanyag na musiko. Sa
panahon ngayon, walang playing musicians na makakatulad sa mga creative
musicians. Wala. Malayo. Maaring sikat sila, pero ibig sabihin, sa mata ng
publiko, mas iga-galang ang isang creative musician kaysa sa isang playing
musician.
Nakikinig pa ho ba
kayo sa mga kanta ngayon sa radyo?
I love music. Anything.
Nanggaling din ako sa dance music, eh. Iba yung dance music namin nung
panahong iyon, eh. Formal yon. Eh ngayon, may gitara lang ako, sige takbo na
yan. Noon, talagang full orchestra. Ako sa Ilaya Orchestra, Monina
Orchestra, Manila Hotel Orchestra. Yung mga kumakanta ngayon, talagang wala
lang. Panahon pa ni Mercedes Matias, panahon pa ni Jovita Fuentes, yan,
talagang mataas. Ngayon, yung mga lumalabas na singers, para sa dance halls
yan. Well, may mga kumakanta din ng classical music pero ang level nila,
hindi na maitutulad kina Matias at Fuentes. Yung mga composers na yan,
namatay na rin iyan. Dr. Francisco Santiago, Antonio Molina, (Juan)
Hernandez, talagang mga top yan sa composition. Nung ako nag-aral sa
conservatory, during the war, sige pa rin yan. That was the height of
Philippine music. Ngayon, decadent. Ang maririnig mo ngayon mga dance music,
pop music, which is not, for me, music at all.
Siguro by a far
stretch of the imagination, artists like the APO Hiking Society, maaaring
idikit sa kasaysayan ng tradisyonal na musikang Filipino.
APO Hiking is pop.
Well, hindi naman ako nagsasabi na they are not good. In their line, they
are good. I don’t say that they are wrong. No, they are in the right way.
But hindi maaaring matulad ako sa kanila. Katulad ng mga Amerikano. Sino
yang mga Amerikanong iyan? Well, sabihin nating on the level of pop music.
Ang Amerikano, talagang malaki ang kanilang market, eh. Talagang widespread.
Eh tayo, dito lang sa Pilipinas. We cannot compare with the Americans, their
pop music. Kaya sabi ko nga, well, time will come, umiikot din yan eh. Sila
nasa taas, bababa din sila. We cannot be at par with American pop composers
and singers. They are being paid handsomely. Kaya ang sabi ko nga, this is
the fate of the Filipino composers. Sa aming era, Felipe de Leon died
already, Hilarion Rubio died already.
Sa ganitong
scenario, ano ang nakikita niyong future ng musikang Filipino?
Natatalo kaming mga
classical ng pop. That’s my sorrow of all sorrows. You can quote me on that.
That we, classical composers, are being dominated by pop music. Totoo yan.
We are being subdued. Wala, kulang kami. Wala na yung matatanda. Namatay na
lahat. Dr. Francisco Santiago, Nicanor Abelardo, Antonio Molina, Juan
Hernandez, Antonio Buenaventura. Wala na yang limang yan. Yang, talagang the
cream. Sino ang surviving? Wala, maaaring ako na lang. Of all their
students, ako na lang surviving student. The golden era of Filipino music
has passed. Wala na yung classicism, wala na yung romanticism. And I don’t
know if our Filipino music will survive the present stage of our history. To
attain the goal of Beethoven, Schubert, Franz Liszt, and all these great
composers, we cannot do it anymore.
Yung pagkilala sa
mga nagawa ninyo? Ano ang pakiramdam pag tinutugtog mga kanta ninyo?
Masaya of course. Pero
hindi ako nagpapakita ng enthusiasm. Ayoko naman makita ng audience na komo
composition ko yon eh, (laughs) Tahimik lang.
Nagta-translate ba
ang mga ito sa pinansyal? Ang dami niyo nang nagawang kanta. Paano yung
usapin ng royalties?
Ah, wala yan dito sa
Pilipinas. Sa America, oo. Dito maski tugtugin ang composition mo, wala.
And they (Americans) don’t understand that. Sa America, hindi pwede yan.
When a symphony orchestra or anyone performs your work, you’re being paid
for that. Whether you ask for it or not. The tradition is you’re going to be
paid. Dito wala yung tradition na yan. In a very rare case, nangyayari yan
pero not very much. Sa America, when they play big or small compositions,
you’re going to be paid. Business din yan. You’re earning but the composer
is not earning, what’s that? It happened to me when I was in New York. (Tinanong
ako) “How much are you paid for this?” “No, nothing.” “No, you’re supposed
to be paid for this. You deserve it.” Mga composer dito will die of hunger.
We’re neglected. Sila lang, yung mga performing yung nakikinabang. Kung wala
kaming material na ibibigay sa kanila, hindi naman sila kikita. That is, ah,
fate. You cannot break that tradition anymore.
Binanggit ninyo
kanina na parang nagawa na ninyo lahat. Pero binanggit niyo rin na ang
composer, hindi basta basta tumitigil sa paglikha? Ano pa ang mga plano
ninyo?
Ngayon, ako nga, I’m
lying low because of my health. I’m 89 going on 90. Wala na kong ganang
magcompose. Yun nga lang, makinig ako ng music sa radyo, sa telebisyon. I’ve
been there. I’ve done my part for pop music. Tapos na sa akin yung erang
yon. That era has passed me already. Ang concentration ko ngayon, if I can
write a big composition, pang-symphony orchestra. That is my goal. I have
not begun yet. Maybe soon. I know that my mind is still sharp. Something big
to give substance to myself I still believe that I can do it. Ngayon, I’m
only gathering materials. Take time and you will come to that point. I will
take my time and not force myself into it. Si Beethoven ganoon, eh. When he
wrote the Ninth Symphony, that was the end of his career. And nobody, sa
panahong ito, sabi nga ng isang Americano sa Juilliard, if (anyone) can
compose a symphony as big as this one, in this century, then we are
fortunate. But I believe God is protecting me and the Holy Spirit is
protecting me. Kung hindi, wala na ako. Nung isang araw, may isang (dumating
na) group ng pelikula, in-interview ako. Ganyang ganyan din. At hanggang
hapon sila dito. Ang sabi ko sa kanila, I’m still alive. I still believe I
can survive this present situation, God willing. Kaya ‘yan ang masasabi ko
sa yo ngayon, tayo’y nabubuhay ngayon, maybe tomorrow. Yung tomorrow na iyon,
so many years pa.
(Lucio San Pedro died in 2002) |